Downtime: Topak Moments

Hindi mo talaga ako abu.  Abo na nga ako, gusto mo pa akong patayin,” reklamo ko kay Jayz.  Sabi kasi nya, “Ano ka ba?  ‘Di ka makakaligtas sa ‘kin.  Subukan mo akong pagmultuhan.  Kahit abo ka na, ihahalo kita sa semento’t ipoporma, tapos dudurugin kita.  Makabawi man lang ako sa ‘yo.”Eh di, double-dead na ‘ko nun,” ‘ika ko.  “Ah, bahala ka.  Kung anu-anong kalokohan pumapasok sa ulo mo.  Sige, subukan mo.  Walang multo-multo sa ‘kin,” dagdag pa ni Jayz.

Ganito kasi yun…  Nabanggit ko kay Jayz na sinabihan ko ang mga pinsan ko dito sa Vancouver na i-cremate ako kung sakaling madedbol ako dito.  Tapos dadalawin ko na lang sya.  Hindi ko ibig sabihin na magbibigti ako, noh!  Hindi naman ganun kagrabe ang sira ng tuktok ko, ha.  Bago ko kasi sinabi yun kay Jayz, eh, super-emote na naman ang byuti ko’t umaatungal sa telepono na parang baka.  Kahit nasa Manila si Jayz, basag sigurado ang eardrum nun kung palagi na lang galit ko sa mundo ang maririnig nya.  Pero hindi naman ako tinutopak palagi, eh.  ‘Pag ‘di ko na lang ma-take ang bigat ng loob ko’t walang ibang nilalalang na gusto kong makausap, si Jayz palagi ang nasa kabilang linya ng telepono.  Ambait talaga ng Abest ko.  Sana ‘di pa sya kunin ni Lord… mauna sana ako sa kanya.  ;-D


Heto namang si Mr. B, “Oh, ano?  Kumusta na, abu?”   Sagot ko, “Magaling na ubo ko pero paminsan-minsan tinutopak pa rin ako.”  Sukat ba namang tumawa at sabihing, “Yung ubo mo, mawawala talaga.  Pero yang topak mo, ‘di na mawawala.  Forever na ‘yan.”   Aray ko!  Isa pa ‘tong brutal kung magsalita sa ‘kin.  Pero nungka, dalawa lang sila sa prozac ko.  Kung hindi  available o accessible yung iba ko pang “gamot” sa topak, bukas palagi ang linya ng telepono nila.  Hayan, ‘di ko na kailangan ang psychiatrist, prozac, o electric shock para mabalanse ang brain chemicals ko’t  lumiwanag ang madilim kong mundo. Hindi talaga kaya ng bulsa ko ang psychotherapist kaya yan pinagtityagaan ko na lang pang-aalaska ng mga best buddies ko.  Andyan kang sabihan ako ng, “You’re special“, sabay hagalpak ng tawa… kasi ibig sabihin nun special needs individual aketch. Hindi naman. Depressed lang.  At ganun lang naman ang therapy that my best buddies can offer.  Libre pa!  Hindi pala… may call charges syempre pero ‘ala kwenta yung katiting na gastos kung ang kapalit ay peace of mind ng mas essential na nilalang.

Ikaw po?  Inaatake rin ba ng topak?  Call mo ‘ko.  ‘Di ko man maayos yan, o baka mapalala ko pa katupakan mo, at least malaman mo na di ka nag-iisa sa mundo.  Marami tayo.  Okay lang na pag-usapan yan, hwag ka ng mahiya kung may depression ka.  Hindi tayo hopeless case.  Kailangan lang ng mga solidong nilalang na masasandalan sa oras na gustung-gusto mo ng bumigay at bumitaw sa laban.  Kung ayaw mo akong kausap, ibibigay ko sa ‘yo numero ng mga brutal kong “psychotherapist“.  Kung hindi man, humila ka na lang ng kung sino mang malapit sa ‘yo at yapusin mo ’sya.  Kulang ka lang sa hug… hindi yan maibibigay ng psychiatrist at antidepressants.  Iniisip ko nga tumayo sa paanan ng escalator sa Worldwide House at i-hug lahat ng aakyat.  Kapag napagod ka, lipat ka sa kabilang side… i-hug mo lahat ng bababa.  Powerful ang hug, ano ka ba!  Hwag ka na mahiya.  Hayaan mo, i-hug kita ng mahigpit pagdalaw ko ng Hong Kong.  Dalaw — as in bisita, taong-tao, hindi pa po multo.  ;-)

*Published in TF Newsmag (June 2009 issue)




Leave a Reply